fbpx

COVID-19, Hindi Galing sa Paniki Kundi Galing sa Isang Chinese Biolab – Research Paper

WUHAN, China – Ibinunyag ng isang research paper ang mga ebidensyang nagpapakita na hindi galing sa mga paniki ang Corona Virus tulad ng pinapalabas ng Chinese Government. Ayon sa pagaaral nila, galing umano ang virus sa isang Wuhan Biolaboratory.

Ang research paper na pinamagatang “The Possible Origins of the 2019-n-CoV coronavirus” ay isinulat nila Botao Xiao at Lei Xiao na mula sa South China University of Technology.

READ MORE: Mga Bangkay, Nagkalat na sa Hallway ng East Ave Hospital – Spokesperson

Walang Paniki sa Wuhan

Ayon sa nasabing research paper hindi maaaring nanggaling sa Paniki na binibenta sa Wuhan Market ang nasabing virus tulad ng pinalabas ng Gobyerno ng China.

Una, ang pinakamalapit na colony ng mga paniki ay 90 kilometers ang layo mula sa Wuhan. Pangalawa, sa interview nila sa 59 na tao, kinumpirma ng mga ito na walang binibentang horseshoe bats sa Wuhan Market.

READ MORE: Kahit Ayaw ng DOH: Mayor Teodoro, Bubuksan na ang Testing Facility ng Marikina

Nagmula sa Dalawang Wuhan Institute

Dagdag pa ng research paper, hindi sa palengke ng Wuhan nagmula ang Corona Virus kundi sa dalawang laboratory sa Wuhan, China.

Napagalaman umano nila na ang dalawang laboratories na ito ay nagsasagawa ng “pag-aaral” sa “bat corona virus” bago pa man lumaganap ang sakit na ito.

Isa dito ang Wuhan Center for Disease Control and Prevention (WHCDC) na halos 280 na metro lamang ang layo mula sa Wuhan Market.

READ MORE: PAASA LANG? SAP Cash na Ipinangako ni Duterte, Hindi Lahat Mabibigyan Dahil sa “Quota System”. Mga LGUs, Nagreklamo.

Ang isang laboratory naman ay ang Wuhan Institute of Virology (WIV) na gumagawa na pinag-aaralan ang mga virus mula sa paniki. Nagkaroon na sila ng extraction ng mga nasabing virus bago pa man ang paglaganap ng Corona Virus.

Ayon kila Botao Xiao and Lei Xiao, gumamit ang WHCDC ng 155 horseshoe bats mula sa Hubei province at 450 bats mula sa Zhejiang province.

READ MORE: Duterte, Minaliit ang mga Janitors

Isang Biolab Worker ang Unang Nahawa ng COVID-19

Sa konklusyon ng research paper, ang posibleng pinaka-unang nahawa na tao ng COVID-19 ay isang trabahante ng isa sa mga Biolabs na ito.

Dagdag pa nila, maaaring ang mga infected na mga paniki na ito ay binenta pa sa Wuhan Market matapos pagaralan sa nasabing mga Biolabs.

READ MORE: PPEs na Binili ng DOH, Overpriced!

Censored ng Chinese Government

Matapos lumabas ang nasabing research paper ay agad itong pinigilan ng Gobyerno ng China. Agad itong pinatanggal sa online publications ayon kay Steven Mosher, isang eksperto sa China.

READ MORE: Lahat ng Donations, Dadaan Dapat Kay Duque – DOH