Manila, Philippines – Nagprotesta ang mga health workers sa opisina ng Department of Health (DOH) dahil hanggang ngayon ay ilan sa kanila ay wala pa ring natatanggap na COVID-19 benefits, samantalang ang sa iba naman ay kulang pa ang naibigay.
Ayon sa mga health wokers, tatlong buwan na ang nakalilipas mula nung sila ay nagbigay ng palugit sa DOH nung Agosto 31.
Nagbigay ng pahayag si Cristy Donguines, ang presidents ng Jose Reyes Memorial Medical Center Employees Union-AHW, “It will be remembered that we health workers in DOH-retained hospitals only got 30% of the funds from the DOH for our meal, accommodation and transportation benefit for the period of September to December 2020. The remaining 70% were withheld by the DOH.”
Dagdag pa ni Donguines, “DOH kept on spreading lies that they already released the said benefits. Stop fooling us [Health] Secretary [Francisco] Duque [III]. Where did the fund go? The fact that we are still here on the street fighting for what is supposedly ours. We challenge Secretary Duque and its officials to provide us the list of all health workers who have already been granted these benefits.”
Tikom pa rin ang bibig ni Health Secretary Duque kung saan na napunta ang pera para sa benepisyo ng mga health workers.