fbpx

Wala kaming “Confidential Funds”. “Extraordinary Funds” lang – Cong. Zaldy Co

Fake news daw ayon kay Committee on Appropriations Chair at Ako Bikol Partylis Representative Zaldy Co, ang kumakalat na balitang mayroon ding confidential funds ang mga Kongresista.

Hindi daw ito confidential funds kundi “Extraordinary Funds” lang daw ito.

Ito ay sagot ni Zaldy Co matapos sila direktang akusahan ni Former President Rodrigo Duterte na nangungubra ng confidential funds.

Sinegundahan naman sya ni Rep. Stella Quimbo. Ayon kay Quimbo, ito ay extraordinary expenses at fully auditable.

“Magkaiba po ‘yong confidential dun sa extraordinary. ‘Yong extraordinary po ay fully auditable. Which is different from confidential and ang Congress ay wala po no’ng confidential,” ayon kay Quimbo, na tumatayo ring senior vice chair ng House appropriations committee.

“Iyong extraordinary po ay ‘yong katulad po halimbawa ng expenses during calamities, so that is an example of extraordinary expense. ‘Yon pong kakaiba po, parang ganun,” pagpapatuloy ni Quimbo.

“Hindi siya confidential,” diin pa ni House majority leader at Zamboanga City Rep. Mannix Dalipe.

Kilala si Zaldy Co ay ang founder ng Sunwest Construction and Dev’t Corp. na isa sa mga malalaking infrastracture company sa bansa. Ito ang kumpanya na nadawit sa P2.3B DepEd laptop project kung saan nagsupply sila ng mga overpriced na mga laptop.