DAVAO CITY, Philippines – Patuloy ang pagpasok ng mga Chinese mula Mainland China kung saan lahat ng probinsya ay apektado na ng nakakamatay na Novel Corona Virus (nCoV).
At ano ang ginagawa nila? Imbis na mag-quarantine, deretso sila sa pamamasyal sa mga resorts sa Mindanao.
Ngunit bakit sila hinahayaan ng gobyerno?
Ayon kay Annabelle Yumang, DOH Regional Director ng Southern Mindanao, ang tanging may mandatory 14-day quarantine lang ay ang mga nagpakita ng sintomas pagdating sa airport.
Isa itong malaking kabulastugan sapagkat ayon sa Center for Disease Control and Prevention, ang nCoV ay may 2-14 days incubation period.
Ibig sabihin, posible na dumating sa bansa ang isang infected Chinese na walang sintomas. Makakalibot at makakahawa pa sya sa loob ng 14 days bago malaman na sya ay may nCoV.
Ang pinakasimpleng gawin ng Administrasyong Duterte ay gayahin ang ginawa ng ibang bansa. Maglagay ng TOTAL BAN sa lahat ng manggagaling sa mga apektadong lugar ng nCoV.
Nagawa na ito ng ibang bansa. Nagawa na ito ng Russia na malapit na kaalyado ng China. Bakit hindi magawa ni Duterte?
#BantayNakaw
Comments
Comments are closed.
Down with the dutae pigs