fbpx

China Telecoms: Ang Simula ng Away nila Duterte at Pangilinan

Mainit na naman sila Pangulong Duterte at Businessman Manny Pangilinan.

Ngayon naman, ay dahil sa isyu ng tubig.

Ayon kay Pangilinan, hindi sila papayag sa isang hostile takeover ng Maynilad. Ayon sa mga sources, gusto umano itake-over ng Prime Water na pagmamay-ari ng mga Villar ang Maynilad.

Matatandaan din na ang nagreview at naghanap ng butas sa mga kontrata ng Maynilad at Manila Water ay ang opisina ng asawa ni Mark Villar.

Basahin: Lantarang conflict of interest! Mark Villar’s wife heads DOJ’s review of contracts with Maynilad, Manila Water

Ngunit paano nga ba nagsimula ang sigalot sa pagitan ni Pangulong Duterte at Manny Pangilinan?

China Telecoms

Natatandaan nyo pa ba yung panahon na gusto papasukin ni Pangulong Duterte ang China Telecoms para maging 3rd telco?

Dito nagsimula ang lahat.

Para sa kaalaman ng lahat, kailangan ng frequency mula sa gobyerno upang makapag-operate ng isang telecoms company. May sariling frequencies ang Globe saka SMART.

Upang makapag-operate ang pangatlong telco, kailangan nito ng frequency. At dahil plano ni Pangulong duterte na papasukin ang China Telecoms, kailangan nya itong bigyan ng frequency.

Saan ito kukunin ang frequency?

Merong additional frequencies na hawak ang SMART Communications na nakaassign sa CURE. Pagmamay-ari ito ni Manny Pangilinan.

Ito ang kinuha ni Duterte.

Ngunit bago ito, inakusahan ni Duterte si Manny Pangilinan na sumisingil umano ito ng 3 bilyong piso upang ibigay nito ang nasabing frequency.

Sa isang interview, pinabulaanan ito ni Manny Pangilinan.

Binalik umano nila ang frequency nang walang bayad mula sa gobyerno.

Ang tanong, sisingilin kaya ng gobyerno ang China Telecoms para sa frequency o ibibigay nila ito ng walang bayad? Ano na ba ang nangyari sa usapang 3rd telco?