Bakit ako lang?
Sa kanyang talumpati sa mga military officers, sinabi ni Alan Cayetano na may kasalanan din ang Senado partikular si Senate Minority leader Franklin Drilon kung bakit nagkagulo ang SEA Games.
“It was Senator Drilon who moved the budget of the SEA Games to the PSC (Philippine Sports Commission) and it was Senator Drilon who proposed cutting it by 33% only a few months before [to] P2.5 million pero siya ang nagli-lead ng criticism, sabi ni Cayetano.
Dagdag pa nya, “Siyempre nandoon ako sa Senate, alangan namang magbastusan kami. So nakukuwento ko lang yan in context that we need better communication,”.
Ngunit depensa ni Drilon, hindi sya ang dahilan ng delay ng 2019 national budget. Ang may kasalanan ay ang mga “unconstitutional insertions” ng mga Congressman na pinamumunuan ni Alan Cayetano na P95.3 billion worth of pork barrel funds.
Magbantay.