fbpx

CANCELLED? Donya Tesoro Na-Call Out Dahil sa “Milk Code”

MANILA, Philippines – Talagang nakakahanga ang mga millennial mayors na sumikat ngayong may crisis ng COVID-19. Kahit sa murang edad ay nakikita ang kanilang puso sa pagseserbisyo at paggamit ng mga makabagong paraan upang mas iangat ang kalidad ng buhay ng kanilang mga nasasakupan.

READ MORE: DENR, Pinagbawalan ang Lahat ng Empleyado na Magpost ng Negatibo Tungkol sa Gobyerno.

Isa sa mga sumikat ngayon na batang mayor ay si Donya Tesoro.

Image may contain: 1 person
Photo from Donya Tesoro Facebook Account.

Si Donya Tesoro, 29, ay first termer mayor ng San Manuel, Tarlac. Pinalitan nya ang kanyang ama na si dating mayor Benjamin “Bening” Tesoro na ngayon ay nagsisilbing kanyang vice mayor. Hindi na nakatakbo muli ang kanyang ama dahil ito ay three-termer mayor na.

READ MORE: PAASA LANG? SAP Cash na Ipinangako ni Duterte, Hindi Lahat Mabibigyan Dahil sa “Quota System”. Mga LGUs, Nagreklamo.

Ayon sa data ng ABS-CBN, 17 sa 20 na millennial mayors ng Mega Manila ay galing sa mga political families o kilala din sa tawag na dynasties.

READ MORE: Imbes na Konkretong Plano: Duterte, Nilait Lang ang Ngipin ni Diokno.

Ano ang problema sa gatas?

Nagsimula ang isyu nang magpost si Donya Tesoro sa kanyang social media na sya ay mamimigay ng gatas.

Post sa FB Account ni Donya Tesoro ukol sa pamimigay ng gatas. Deleted na ang nasabing post.

READ MORE: “Research” Budget ng mga Congressman, Nadagdagan ng 1.6 Billion. Health Budget, Tinapyasan.

Ano ba ang MILK CODE?

Ayon sa batas na “Milk Code“, hindi pwedeng basta-basta magdonate o mamigay ng gatas para sa bata lalo na sa mga sanggol. Ito ay para maprotektahan ang kanilang sensitibong kalusugan.

Mas binibigyan diin din ng milk code ang pag papadede ng breast milk sa mga sanggol lalo na sa mga panahon ng krisis.

Nagbibigay ito ng mga protocols kung ano ang tamang pagimplement ng mga ito upang maiwas sa kapahamakan ang mga sanggol at bata.

READ MORE: Duque, Pinagtanggol ang China. Test Kits ng China, ‘Very Good’ Daw.

Parusa sa Paglabag sa Milk Code

Maaring magmulta ng Php 1000 hanggang Php 30,000 pesos ang lalabag sa milk code. Maaari din silang makulong ng dalawang buwan hanggang isang taon.

Comments ng mga Netizens

Dahil dito, nagcomment ang mga netizens upang ipagbigay alam kay Donya Tesoro na labag sa batas ang kanyang gagawin.

Pinayagan daw sya ng DOH…

Depensa ni Donya Tesoro, pinayagan daw sya ng DOH na mamigay ng gatas.

Sinabi pa nya na “nevermind” nalang daw o wag na pansinin ang batas ng Milk Code.

Dagdag pa ni Mayora, may “certification” daw sya galing sa DOH. Ngunit nang hingan sya ng kopya ng sinasabing certification, dito na tila nagiba ang mood ni Mayora.

Tila hindi natuwa si Mayora…

Sagot ni Mayora, ginagawa lang nya ang kanyang trabaho. Kung may problema daw ang mga netizens sa kanya, mag-file daw ng reklamo.

Dagdag pa ni Mayora, maghanap nalang daw umano sila ng mga public officials na hindi gumagawa ng kanilang tungkulin.

Depensa naman ng mga netizens, kaya sila nanghihingi ng kopya ng nasabing “certification” mula sa DOH ay upang iclarify sa DOH kung ano ang basehan ng certification na ito dahil malinaw na paglabag ito sa batas.

May isa pang judge na nagsabi na handa syang magfile ng administrative complaint sa kung sino man ang nagbigay ng nasabing certification.

As of posting time, burado na ang nasabing post ni Donya Tesoro. Ngunit nascreenshot ito ng mga netizens kasama ang comment section. Pinost ito ng isang nagngangalang Mec Camitan Arevalo sa kanyang Facebook Account.

https://www.facebook.com/Mecarevalo/posts/10158161854658688

Ayon kay Mec, naniniwala naman sila umano na gusto lang ni Donya Tesoro na pagsilbihan ang kanyang constituents. Sana lang daw ay mas naging open sya sa ibang mga mas maayos na pamamaraan.

I have no doubt she just wants to serve her constituents. I was hoping she was open to a different (and yes, I believe, better, safer, more sustainable) way of doing things though.

Mec Camitan Arevalo

READ MORE: Nasaan na ang mga Malasakit Centers?



Comments

  1. the means does not justify the end …the mayor has the heart to serve ….sometimes in your desire and enthusiasm to render service to your constituents …you forget that there are things and process to consider …but then …I admire the mayor’s intention …

Comments are closed.