fbpx

BREAKING: VP Leni, Nagmobilize na ng Tulong Para sa mga Nalindol sa Davao. Postponed muna ang Report sa Drug War.

Ipinagpaliban muna ni Vice President Leni Robredo ang paglalabas ng ICAD report sa publiko kasabay ng panawagan nya ng tulong para sa mga nasalanta ng malakas na lindol sa Davao at Cotabato.

Magkaisa tayo at magpadala ng tulong dahil ngayon nila tayo kailangan…lalo na ngayong magpapasko.

Nakausap na umano ni VP Leni ang mga partners mula sa gobyerno at private sectors para sa tulong na dadalhin sa Mindanao.

“Sa ngayon, ang pinakailangan ng tao ay mga tents at drinking water”,

“Handa na ang team namin para magdeploy. Yung listahan nalang from our partners sa ground ang hinihintay,” dagdag ni VP Leni.

Pagkakaiba kay Pangulong Duterte

Matatandaan na lumabas kagabi ang report na natulog lang si Duterte matapos maramdaman ang lindol.

Image

Dagdag pa dito, sinabi ng Presidential Spokesperson Panelo na wala pang plano bumisita si Pangulong Duterte sa mga kababayan nyang nasalanta ng lindol.

Mabilis naman napansin ng mga netizens ang pagkakaiba ng pagresponde ng Bise Pangulo sa pagresponde ng Pangulo sa lindol.

Dagdag pa ni VP Leni, mas kailangan pagtuunan ng pansin kung paano makakatulong.

“Sama-sama nating iparamdam sa mga nasalanta ng lindol ang diwa ng pasko,” batid ni VP Leni.