MANILA, Philippines – Sinabi ni former PNP Chief at ngayo’y Senador Bato Dela Rosa na bagong bili pa lamang ang bumagsak na PNP Chopper na sakay ang kasalukuyang PNP Chief Archie Gamboa.
“Bagong bago ‘yun. ‘Yan ay Bell 429, brand new ‘yun, twin engine,” sabi ni Sen. Bato sa isang interview sa radyo kanina.
Dagdag pa ni Bato, si Gamboa ang chairman ng bids and awards committee na nagprocure ng bumagsak na chopper.
“That was procured during my time, itong bago ngayon, actually mga one year old or mag-tu-two years pa lang ‘yan. Pagbili niyan bago talaga ‘yan. Si Gen. Gamboa mismo ang chairman ng Bids and Awards Committee na nagtalakay sa pagbili niyan,” sabi ni Bato.
Binili ang nasabing chopper noong June 28, 2017 sa Bell Helicopter Textron Incorporated sa Fort Worth, Texas sa halagang P435,797,548.
Gamboa in stable condition
Ayon kay PNP deputy chief for administration Camilo Cascolan nasa stable condition si PNP Chief Gamboa.
Isa si Gamboa sa sakay ng PNP Chopper na bumagsak sa San Pedro Laguna Huwebes ng umaga.