MANILA, Philippines — Mas kilala ng nakararami si Bong Go bilang alalay, caregiver, o special assistant’ ni Pangulong Duterte kaysa Senador. Binansagan pa itong “First Lady” dahil mas madalas pa umano ito nasa tabi o kasama ng Pangulo. Bagama’t dahil hindi umano mapagkakaila na hindi mananalo ito sa pagka-senador ng wala ang Pangulo.
Kapansin-pansin na sa lahat ng umano ng aktibidades ng Pangulo, makikita rin si Senator Bong Go rito, umaalalay sa Pangulo. Maraming naman ang pumupuna sa baguhang Senador dahil nakalimutan umano nito na hindi na ito alalay lamang ngunit isa na itong Senador. Malayong-malayo umano ito sa mga pinangakong tuntunan ng isang Senador.
Maliwanag na naka saad sa batas na ang gampanin ng isang Senador ay gumawa ng batas para sa kapakinabangan ng buong bansa, sumuri ng bawat isang mungkahing batas o bill sa senado man o kongreso bago ito pirmahan ng pangulo upang maging isang ganap na batas, bumusisi sa mga kasunduan o treaties na pinasok ng bansa sa iba pang bansa, magpatawag ng imbestigasyon upang makatulong sa paggawa ng batas, maglitis kung dapat bang patalsikin sa pwesto (impeach) ang isang opisyal ng pamahalaan.
Wala umanong nabanggit dito na umalalay sa Pangulo, sumama sa mga gampanin nito, alagaan ang pangulo ng Pilipinas na para umanong ‘caregiver’ kung maituturing at higit sa lahat dapat umano itong magsilbi sa bayan hindi sa kagustuhan lamang ng Pangulo.
Ani ni Professor Ela Atienza, chairperson of the University of the Philippines’ political science department. “As senator, Bong Go can use his time familiarizing himself with the work of a senator, brainstorming with his staff on urgent legislation, meeting constituents and lobby groups, focusing on the committees assigned to him,”
Kailangan umano ni Go maging Senador hindi alalay.
Paulit-ulit rin maririnig sa mga talumpati nito na “hindi umano niya iiwan ang presidente at aalalagaan ito”
Nagiging katawa-katawa naman ito sa mata ng nakararami, nagpapakita umano ito ng walang kasanayan sa serbisyo publiko at ang mahalaga lamang ang kapakanan ng kaniyang amo.
ALSO READ: https://bantaynakaw.com/duterte-dawit-sa-pharmally-deals/