MANILA, Philippines — Sa araw ng kanyang pagreretiro, si outgoing Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ay naging biktima ng bogus food delivery orders na inihatid sa kanyang opisina.
Sa Twitter, sinabi ni Guanzon na iniimbestigahan na ngayon ng pulisya ang mga pekeng booking na malisyosong inilagay sa kanyang pangalan na nakaperwisyo sa mga delivery riders.
“Since last night there are bogus food delivery orders to Comelec under my name,” ayon kay Guanzon.
“Ang sasama nila. Kawawa mga pobreng food riders,” dagdag pa ni Guanzon sa isang hiwalay na post.
Ito ay nagsimula sa alitan ni Guanzon sa kapwa Komisyoner na si Aimee Ferolino sa kanyang desisyon na ihayag ang kanyang boto pabor sa disqualification ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa darating na halalan dahil sa hindi pagbabayad ng kanyang buwis habang siya ay gobernador ng Ilocos Norte.
Si Guanzon ang presiding commissioner ng Comelec’s First Division, na humahawak sa tatlong pinagsama-samang disqualification cases laban sa dating senador.