fbpx

BOBO—Marcos Appoints Gadon as Adviser on Poverty Alleviation

“BOBO”—Iyan ang paboritong sambitin ni Larry Gadon, at yan rin siguro ang sinisigaw ng sambayanang Pilipino kay Marcos matapos niyang i-appoint si Larry Gadon bilang Presidential Adviser on Poverty Alleviation.

Anong alam ni Larry Gadon sa poverty alleviation? Anong alam niya bilang isang suspendidong abogado? Matatandaan na siya ay sinuspende sa pagiging lawyer ng Korte Suprema nang siya ay nang-verbally abuse ng mamamahayag na si Raissa Robles noong nakaraang taon, at isa lamang ito sa sandamakmak na kontrobersiya na kaniyang ikinaharap.

Ayon sa PCOO, siya ay ang mag-aadvise sa Pangulo ng mga stratehiya at polisiya na naglalayong labanan ang kahirapan na kinakaharap ng bansa, at tulungang iahon ang buhay ng mga lubos na nangangailangan. Tama nga ba na isang taong tulad ni Gadon, na walang respeto kahit na lamang sa mga mamamahayag ang ating pagkatiwalaan na magmamalasakit sa mga mahihirap na Pilipino?

Sa bawat araw na ginawa ng Diyos parami-rami ang tanong ng Pilipino na hindi nasasagot. Paano ba naman kasi kahit isang debate hindi pinuntahan ni Marcos noong eleksyon, hanggang ngayon hindi pa rin natin maramdaman. Siguro ang trabaho talaga ni Gadon ay sigawan si Marcos ng “bobo” araw-araw, para naman mahimasmasan siya.