fbpx

BIR: Walang Utang na Tax ang ABS-CBN

MANILA, Philippines – Ayon mismo kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Deputy Commissioner for Operations Arnel Guballa, walang tax liabilities ang ABS-CBN maliban sa isa na nakapending pa sa Court of Tax Appeals (CTA).

Image result for Arnel Guballa
BIR Deputy Commissioner for Operations Arnel Guballa

Ang pending case na ito ay ang Star Songs, isang subdsidiary na nakipag merge sa Star Cinema na pagmamay-ari ng ABS-CBN. Ito ay kinumpirma ng ABS-CBN Corporations Communications Head na si Kane Ochoa.

Matatandaan na ang tax liabilities na ito ang isa sa mga pangunahing argumentong inilabas ng mga pro-Duterte bloggers sa panawagan nilang ipasara ang nasabing estasyon.

Galit ng Pangulo

Hindi rin kaila sa lahat ang galit ni Pangulong Duterte sa ABS-CBN.

Noong March 30, 2017 pa lamang, sinabihan na ni Duterte ang ABS-CBN na “published trash” at sinabihan na ang mga Lopez na may-ari ng ABS-CBN at mga oligarchs at elites.

Image result for duterte angry

Dagdag pa ni Duterte, dadating din ang araw na makakarma ang ABS-CBN.

Matandaan na nagsimula ang galit ni Duterte sa nasabing network nang hindi umano nilabas ng ABS-CBN ang kanyang mga political ads noong sya’y tumatakbo bilang pangulo noong 2016.