Iginiit ni BIR commissioner Caesar Dulay na nagpadala sila ng liham sa kampo ni Marcos noong Disyembre taong 2021 ukol sa pagbabayad nito sa 200 bilyong estate taxes.
Ito’ bilang sagot sa request ni Ernesto Ramel ,chairman ng Aksyon Demokratiko na panahon na umano upang singilin ang pamilyang Marcos habang hindi pa naganap ang eleksyon.
Ayon naman kay Vic Rodriguez,spokesperson ni Bongbong, ang pag-settle umano sa estate taxes ay nakabinbin pa dahil nasa ilalim pa rin ng pagsisiyasat at kasunduan sa pagitan ng Philippine Commission on Good Government (PCGG) at ng Bureau of Internal Revenue(BIR).
Kinwestiyon din ni Ramel ang kasunduan sa pagitan ng PCGG at ng BIR. Sinabi niya na dapat ay i-disclose ni Agbayani,chairman ng PCGG ang mga detalye tungkol dito dahil ito ay mmay kinalaman sa public interest.
Sinabi naman ni presidential candidate Isko Moreno na sisiguraduhin niyang makokolekta ang 203 bilyong estate taxes kung siya ay mananalo sa darating na eleksyon.