fbpx

BI Pastillas Boys: Imbis na Suspension, Binigyan Pa ng Bagong Assignment. Patuloy ang Sweldo

MANILA, Philippines – Matapos sumabog ang “pastillas scandal” ng mga officers ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA, agad ipinangako ni Pangulong Duterte na tatanggalin nya ang mga sangkot sa iskandalong ito.

Image result for ANGRY DUTERTE
Duterte promised to “terminate” all BI personnel involved in the “Pastillas Scandal”.

Matatandaan na ibinunyag sa Senado ang modus ng mga BI officers na ito ang “Patillas System” kung saan binibigyan ng VIP treatment ang mga Chinese nationals na papasok sa Pilipinas kapalit ang 10,000-80,000 pesos na suhol. Ang pera na ito ay ibinibilot na parang pastillas.

“I love Morente”

Sa kabila nito, pinagtanggol ni Duterte ang pinuno ng Bureau of Immigrations na si Jaime Morente. Sinabi ng Pangulo na hindi nya tatanggalin si Morente sapagkat mahal nya ito.

Patuloy ang sweldo sa mga ‘Pastillas Boys’

Imbis na ilagay muna sa preventive suspension at kasuhan, inilipat lang ng opisina ang mga “Pastillas Boys”.

Ayon sa kopya ng Bureau of Immigration Personnel Order JHN-2020-196 na ipinadala sa Bantay Nakaw Coalition, hindi sinibak ang mga sangkot na BI officials kundi inilipat lamang sa Admin Division ng Bureau of Immigrations.

Ibig sabihin, patuloy pa rin silang papasahurin ng buwis ng taumbayan.

536,205 Chinese ang Pumasok sa Bansa Simula Noong December 2019

Ayon sa report na ipinakita ni Sen. Richard Gordon, higit sa kalahating milyong Chinese ang pumasok sa bansa simula noong Disyembre 2019.

156,000 sa kanila ang binigyan ng Pilipinas ng alien employment permits, 115,000 ang binigyan ng special working permits at 77,000 ang may prearranged employment visa.

#BantayNakaw