fbpx

BBM Supporters NANAKAWAN sa Gitna ng Kampanya

Ilang indibidwal ang nawalan ng kanilang mga gamit nang dumalo sa campaign rally ni BBM nitong martes, Marso 8. Ninakaw nga ba o nawala?

Mike Velarde, Gov JonVic endorse Marcos, UniTeam | BusinessMirror

Matapos ang rally ng tandem na BBM-Duterte, sunod-sunod na nagsiakyat sa entablado ang ilang supporters upang makiusap na maibalik ang mga nawawalang gamit.

Isang lalaki ang nagsabing magbibigay ng cash reward kapag naisauli ang kanyang selpon.

“Parang awa niyo na po. Paki-saulit na lang po, babayaran ko.”

Isang OFW naman ang nawalan ng wallet. Para sa kanya hindi na mahalaga ang pera, mas importante umanong maibalik ang kanyang OFW ID.

asherservento (@asherservento) / Twitter

Tumulong na rin bandang huli ang host ng programa at nanawagan sa mga dumalo upang isauli ang anumang makikitang bagay na hindi sa kanila.

Hindi pa malinaw kung may pagnanakaw nga bang naganap o sadyang nawala lang ang mga ito.Agad namang nag-react ang mga netizens sa balita at iniugnay ang nangyari sa pagiging magnanakaw ng kanilang kandidato.