Kung mapapansin ang larawang ito na kuha mismo noong Pebrero 25, 1986—ang araw ng unang EDSA People Power, makikitang ang noo’y 28 anyos na si Bongbong na nakasuot ng fatigue na uniporme.
Marahil aakalain ng iba na ito ay basta-bastang kasuotan lamang na walang kahulugan. Pero bakit nga ba siya nakagayak nang ganun?
Ayon kay heneral Fabian Ver, ang dating hepe ng Armed Forces of the Philippines at isa sa mga katiwalang opisyal ni dating pangulong Marcos, nakipagdiskusyon umano si Bongbong sa kanyang tatay na maglunsad ng opensiba sa Camp Crame—sa kabila ng malaking presensya ng mga sibilyan at sundalo roon.
Ang pagsusuot ng fatigue uniform ni Bongbong ay maaaring simbolo na siya ay handa nang makipagbakbakan.
Ayon sa beteranong peryodista na si Philip Lustre, Jr., inuudyok nina Ver at Bongbong ang dating pangulong Marcos na magbigay ng direktiba para atakihin ang Camp Crame.
Kung Bongbong ang gusto niyong iluklok para mamuno sa ating bansa, baka dapat ay paghandaan niyo na ang isang brutal na pamahalaan.