fbpx

BBM nagtago sa kanyang hotel dahil sa kakulangan ng supporters?

Totoo nga bang hindi nagpakita si presidential aspirant Bongbong Marcos sa Baguio city noong Easter Sunday dahil sa napakaunting bilang ng dumalo dito?

Usap-usapan sa social media ngayon kung paano tratuhin ni Bongbong Marcos ang kanyang mga taga suporta nang dahil lamang sa hindi karamihan ang nagpunta sa kanyang concert rally na ginanap sa Burnham Park, Baguio city.

Bagaman may mga nagtanghal na iba’t ibang personalidad at mga katutubong pangkat ay nadismaya naman ang mga taga suporta ni BBM dahil sa hindi nito pagpapakita sa kanila kahit na ‘di umano’y nasa Baguio city naman ito.

Kung totoo man ito, isa itong kahihiyan at patunay na mababa ang tingin ng kandidato sa kanyang mga loyalista.Hindi lamang ito ang unang beses na hindi sumipot si Marcos sa mga events.Matatandaang ilang ulit din niyang binalewala ang mga panawagan upang dumalo sa mga public debates.