Hindi lamang isang pagkakamali kung hindi ay isang malaking banta sa ating bansa kung mananalo sa pagka-pangulo ang anak ng dating presidenteng Ferdinand Marcos.
Iyan ay ayon sa pahayag ni Archbishop Villegas sa isang panayam kahapon, Pebrero 21.
Mariin niyang sinabi na hindi nila akalaing mangunguna sa survey ang anak ng dating diktador na si Marcos. Si Villegas ang naging kanang kamay ni Cardinal Sin at isa sa mga nanguna noong 1986 People Power sa Edsa.
“Hindi namin inisip na in the year 2022 ay ganito ang banta para sa ating panahon. And I say it: banta”
Ibinuwalas pa niya ang kalagim-lagim na kasinungalingan ng kampo ni Marcos tungkol sa mga naganap na patayan , pandarambong at pang-aabuso sa panahon ng Batas Militar.
“Ang sinungaling ay sinungaling” kanyang pagbibigay diin.
Ang simbahang Katolika ay inaasahang magiging malaking impluwensya para sa sambayanan sa gaganaping halalan tulad na lamang ng pagtindig nila noong 1986 Snap elections.
At ngayong 2022 Campaign nga’y maraming grupo ng simbahan ang nagpakita ng pagtuligsa sa kasalukuyang administrasyon at nagbigay ng suporta para kay Leni Robredo na siyang pinakamalapit na kalaban ni BongBong Marcos.
Gayunpaman ipinaalala ni Archbishop Villegas na hindi trabaho ng Obispo na idikta kung sino ang dapat iboto kung hindi ay hulmahin at imulat ang mga tao sa Tama at mali. Wala mang direktang ineendorso ang Simbahang Katolika, mapapansin namang iisa lang ang kanilang mensahe –
“Kung merong hindi dapat iboto para presidente ,ito ay si Bongbong Marcos”. – Teodoro Bacani, Obispo ng Novaliches.