fbpx

BAYAD MUNA BAGO RESCUE. Mga Biktima ng Baha, Kailangan Magbayad ng 500 Pesos Bago I-Rescue. Mga Villafuerte, Wala Pa Ring Bangka.

BULA, CAMARINES SUR – Nanggagalaiti ang mga residente ng Bula, Camarines Sur matapos sila singilin ng Php 500 ng mga rescuers para lamang pasakayin sa bangka.

Ayon sa mga posts ng mga residente, walang maasahan sa kanilang Mayor na si Amelita Ibasco at 5th District Congressman Migz Villafuerte. Hanggang ngayon wala pa ding maibigay na rescue boats.

Bigla naman naglabasan ang mga rescuers kuno na naniningil ng 500 – 2,500 pesos kada tao para lang irescue. Ang ilan pa umano sa mga ito ay mga tauhan nila Mayora at Cong. Migz Villafuerte. Tila ginawa pang negisyo ang trahedya.

As of posting time, wala pang sagot ang mga opisina ni Congressman Migz Villafuerte at ni Mayor Ibasco ukol sa isyu na ito.