MANILA, Philippines —Sinuspinde ang Youtube channel ng pro-Marcos at fake news purveyor na si Sangkay Janjan dahil sa “misleading malicious” contents nito.
Marami na ang bumabatikos kay Sangkay o ang ‘Hambog na Traydor’ (ayon sa mga netizens) dahil puro fake news ang ipinapakalat nito tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas na walang ni-isang basehan at walang katotohanan.
Kilala ang Youtuber sa kanyang mga ‘history blogs’ kuno at sa sobra-sobrang pagsuporta nito sa mga Marcos na kulang nalang ay sambahin niya ang mga ito.
Ayon pa sa isa sa maraming fake news content ni Sangkay ay ‘wala raw Martial Law victims’ dahil ito pa nga raw ang nambibiktima noon. Tinawag din niyang ‘the best leader in the world‘ ang diktador na Ferdinand Marcos. Bonus: puro pictures din ni BBM ang laging nakasingit.
READ MORE: BF ni Jasmin Curtis, Sumipsip. Pinakilalang “VP” si Marcos
Dahil puro ‘kasinungalingan’ at ‘questionable’ ang lahat ng content ni Sangkay ay naalarma naman ang mga totoong historians at mga mamamahayag. Marami ang naglabas ng kanilang pagkainis at pumuna sa fake news spreader na si Sangkay.
Binatikos ng former host for government-run PTV4 na si Jules Guiang ang vlogger. “Something that has been continuously disproven by those who experienced martial law itself,” sabi nito. Wala rin credible source itong si Sangkay sa mga content nito sa Youtube.
Samantala, kamakailan nga ay tuluyan na rin ni-report ang Youtube channel ni Sangkay sa Department of Education at National Historical Commission of the Philippines.
READ MORE: Mocha, Pinapaaresto ng mga Netizens Dahil sa Pagpapakalat ng Fake News. #ArrestMochaNOW, Trending!