Tila labis na lang ang galit ni Bambol Tolentino kay Juico upang magpakalat ng maling impormasyon tungkol sa hindi pagkakasali kay Obiena sa listahan ng mga kalahok sa gaganaping 31st Sea games ngayong buwan ng Mayo.
Sinabi ni Bambol na opisyal nang hindi isinali ng NSA ang pole vaulter na si EJ Obiena.
Aniya, dismayado umano siya’ sa desisyong ito at parang sinisisi ang PATAFA sa nangyari.
Namintig naman ang tainga ni PATAFA President Philip Juico sa narinig na balita.
Ayon sa kanya, walang katotohanan ang impormasyon at isa lamang fake news. Nilinaw ni Juico na hindi pa-pinal ang listahan dahil nais pa rin niyang i-rekonsider si Obiena kahit na hindi pa natatapos ang mediation dahil sa hindi pagpunta ni Obiena sa mga nasabing mediation.
Ayon sa isang source sa loob ng POC, malinaw ang galit ni Tolentino kay Juico dahil sa paglaban nito noong tumakbo syang presidente ng POC. Kaya naman daw nakakita ito ng tsansa na sirain si Juico nang pumutok ang isyu nila Obiena at PATAFA.
Bambol sinungaling o Bambling, iyan ngayon ang pabirong taguri kay Tolentino dahil sa sunod-sunod na pagkalat ng maling impormasyon gayong’ alam nito na nasa mediation process pa rin’ ang nasabing Isyu.
Matatandaang ilang pahayag ang inilabas ni Tolentino laban kay Juico na pawang walang katotohanan, ito umano ang nagging mitsa ng alitan sa magkabilang panig.
Nahaharap din sa kaso si Tolentino ngayon sa World Athletics.