fbpx

Bakit Pinayagan ang Chinese? Governor ng Bohol, Pinapa-Imbestigahan. Bakit Hinayaan Mag-Operate ang Isang Resort na Nag-illegal Reclamation.

TAGBILARAN, Bohol – Matapos mag viral ang expose ng Bantay Nakaw Coalition ukol sa isang resort na nagsagawa ng illegal reclamation sa Bohol, matindi ang panawagan ng mga netizens sa imbestigahan bakit pinayagan at patuloy na hinahayaan mag-operate ang nasabing resort.

Isa sa pinapaimbestigahan ay si Bohol Governor Erico Aris Aumentado. Bagamat nagsimula ang illegal reclamation bago pa man maupo si Gov. Aumentado, tinatanong sya ngayon bakit patuloy nya na hinahayaan mag-operate ang Bohol Tropics Resort.

Napag-alaman ng Bantay Nakaw Coalition na nakapag-tambak o reclaim ang isang resort na pagmamay-ari umano ng mga Chinese sa Tagbilaran, Bohol. Makikita mismo sa Satellite Image na napakalaki ng tinambakan ng Bohol Tropics Resort na parte ng dagat kung saan libo-libong corals ang tinatayang nasira.

As of posting time, patuloy pa rin ang operation ng nasabing resort.

Ayon sa mga comments ng mga netizens, di umano ay influential political Chinese family daw ang may-ari ng resort.