Habang marami ang nagsasabing malaki ang nagawa ng pamilyang Marcos para sa bansang ito, tulad na lamang ng mga programa noong panahon ni Ferdinand Marcos na sinasabing nakapagpabago ng economic status ng bansa, ito nga ba’y sapat nang dahilan upang muli silang iluklok sa kapangyarihan?
Kung titingnan mabuti, ang BBM-Robredo rivalry ay maikukumpara sa dalawang taong nag-a-apply ng trabaho. Isang mataas ang kumpiyansa sa sarili at nagmula sa kilalang pamilya ngunit hindi angkop ang credentials at ‘yung isa nama’y mapagkumbaba at ordinaryong tao ngunit kwalipikado sa nasabing posisyon.
Ang pagka-Pangulo ay hindi isang kompetisyon ng pangalan o ng pinagmulan. Ito ay isang responsabilidad na dapat hawakan ng isang karapat-dapat sa puwesto.
Ang pagpili ay hindi dapat ayon sa dugo o laman.Hindi dahil nagmula siya sa iyong bayanHindi dahil ito ang pambato ng kaibigan mo.
At higit sa lahat hindi dahil sa ayaw mong tanggapin ang mga masalimuot na katotohanan ukol dito.Kung papipiliin ka kung sino nga ba ang dapat na maging pangulo,Bakit hindi ka doon sa malinis at may puso?