fbpx

AYAW NA MAGBIGAY NG AYUDA? Gobyerno, Pinilit Mag-GCQ Kahit Hindi Handa.

MANILA, Philippines – Ngayong araw, June 1, 2020, ginawa nang General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila. Ibig sabihin, ilan sa ating mga kababayan ay kailangan nang pumasok sa trabaho.

Kung swerteng may sasakyan ka, problema ang napakahabang traffic sa halos lahat ng parte ng Metro Manila.

READ MORE: IISANG DAGAT? China, Aarestuhin ang mga Pilipinong Mangingisda sa WPS

Image may contain: car and outdoor
Traffic sa kahabaan ng EDSA

Kung wala ka namang sasakyan, problema mo kung paano ka makakapunta sa trabaho.

READ MORE: World’s Longest Lockdown, Naitala ng Pilipinas. Kulang Pa Din ng #MassTesting

Bawal ang lahat ng Jeep at Angkas. Kalahati lang ang pwedeng sakay ng mga Bus.

Pinagbawal ang pagbyahe ng mga jeepneys sa bung Metro Manila kasama ang mga motorcycle ride-hailing services tulad ng Angkas. Pag-aaralan daw muna ng gobyerno kung paano magkakaroon ng physical distancing sa loob ng jeepneys.

Image
Mga commuters na walang masakyan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue

Limitado din ang bus na pinayagang bumyahe. Dagdag pa, kalahati lang ng pasahero ang maaari nitong isakay.

READ MORE: VP Leni, Nanguna sa mga Presidential Surveys na Ginawa ng mga Duterte at Marcos Supporters

12% lang ang pwede sumakay sa MRT at LRTs

Sa MRT at LRT naman, 12% lang ng capacity ang pwedeng sumakay kada byahe. Ibig sabihin, kailangan iexpect ng mga commuters ang ilang oras na pila bago makasakay ng tren.

Umabot na sa tabi ng EDSA ang pila sa Taft Avenue Station ng MRT

READ MORE: China, Tuluyan nang Sinakop ang Spratlys sa Kabila ng COVID. Duterte, No Comment Pa Rin.

Walang plano para sa mga commuters?

Sigaw ng mga netizens online, bakit tila wala o kulang ang plano ng gobyerno para sa mga commuters?

Bakit pinilit mag-GCQ kung hindi naman pala handa?

Patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa kabila ng tinaguriang pinakamahabang lockdown sa buong mundo. Inaasahang mas lalo pa itong tataas ngayong GCQ.

Ngunit bakit pipiliting mag GCQ kung alam naman ng lahat na hindi pa handa ang gobyerno?

Ayon sa mga netizens, napakalinaw ng sagot.

Ayon sa Malacanang, hindi na magbibigay ng ayuda ngayong nasa GCQ na ang karamihan ng lugar.

READ MORE: “Palpak na Duque”, Pinagreresign na ng mga Senador