MANILA, Philippines — Habang sinasabing nirerespeto niya ang karapatan ng LGBTQIA+ community, iginiit ni vice presidential aspirant Lito Atienza noong Biyernes na papayag lang siya sa same-sex marriage kapag puwede na ring mabuntis ang mga lalaki.
Sinabi rin ni Atienza na dapat sundin ng bansa ang mga turo ng Simbahan, kahit na binanggit ang sitwasyon sa Estados Unidos kung saan ginawang legal ang same-sex marriage.
Sa kabila ng kanyang paninindigan sa same-sex marriage, sinabi ni Atienza na iginagalang niya ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community at laging ipagtatanggol sila.
“I will always defend the rights of anyone to be happy. Ikaw ay pinanganak na gay, lumaki kang gay, you continue being gay, karapatan mo yan. And I will always defend your rights,” ayon kay Atienza.