fbpx

Atienza Handang Makipagtulungan Huwag Lamang Maibalik sa Pwesto ang Pamilyang Marcos

Nagpahayag ng kanyang pagkabahala si Vice Presidential candidate Lito Atienza sa posibilidad ng pagkawagi ni frontrunner presidential aspirant Bongbong Marcos.Inilarawan niyang magiging isang  katatawanan lamang ang Pilipinas sa buong mundo.

Ipinaliwanag ni Atienza sa CNN Philippines kung bakit dapat magtulong-tulong ang mga Pilipino upang hindi maibalik sa pwesto ang pamilyang Marcos.

“To me, a Marcos comeback is totally, totally unthinkable. I don’t want the Filipinos to be the laughing stock of the whole world.Sinipa ninyo, ngayon kinuha niyo ulit.It does not make sense to me,” pahayag ni Atienza.

Nanatiling una sa Pulse Asia survey si Bongbong Marcos na may 56% habang ang mahigpit na katunggali nito na si Robredo ay may 24% na sinundan ni Mayor Isko Moreno sa bilang na 8%.

Handa rin umanong iparaya ni Atienza ang kanyang posisyon para kay senate president Tito Sotto sakali mang mag-withdraw ang ka-tandem nito na si senator Panfilo Lacson.