Asawa ni Marcos Hindi Totoong Kasapi ng New York State Bar Association

Asawa ni Marcos Hindi Totoong Kasapi ng New York State Bar Association

Ayon sa isinagawang pagsusuri ng Veras Files, isang fact-checking body, napatunayang hindi kasapi ng New York State Bar Association(NYSBA) ang asawa ni Bongbong Marcos na si Louise “Liz”  Araneta-Marcos.Taliwas ito sa impormasyong ibinigay ng abogada.

Kinumpirma ito ng NYSBA at sinabing walang anumang rekord ng pangalang Louise Araneta-Marcos nito sa kanilang listahan o mga kasapi.

Ang naturang misinformation na ito ay nagmula sa legal firm na M & Associates na pagmamay-ari mismo ni Liz. Ayon sa website ng firm idineklara bilang professional affiliate ni Liza  ang NYSBA.

Sa pagsusuri ng Veras files na siyang nakipag-usap mismo sa NYSBA at New York State’s Office of the Court Administrator (OCA) upang alamin kung mayroon mang nakatalang miyembro na ang pangalan ay Maria Louise Araneta-Marcos, nabigo ang dalawang sangay na magbigay ng kumpirmasyon.

Samantalang hinihintay pa ang kasagutan ng panig ni Liz Araneta hinggil sa maling impormasyon nito  na ikinakalat sa social media.