Ayon sa isinagawang pagsusuri ng Veras Files, isang fact-checking body, napatunayang hindi kasapi ng New York State Bar Association(NYSBA) ang asawa ni Bongbong Marcos na si Louise “Liz” Araneta-Marcos.Taliwas ito sa impormasyong ibinigay ng abogada.
Kinumpirma ito ng NYSBA at sinabing walang anumang rekord ng pangalang Louise Araneta-Marcos nito sa kanilang listahan o mga kasapi.
Ang naturang misinformation na ito ay nagmula sa legal firm na M & Associates na pagmamay-ari mismo ni Liz. Ayon sa website ng firm idineklara bilang professional affiliate ni Liza ang NYSBA.
Sa pagsusuri ng Veras files na siyang nakipag-usap mismo sa NYSBA at New York State’s Office of the Court Administrator (OCA) upang alamin kung mayroon mang nakatalang miyembro na ang pangalan ay Maria Louise Araneta-Marcos, nabigo ang dalawang sangay na magbigay ng kumpirmasyon.
Samantalang hinihintay pa ang kasagutan ng panig ni Liz Araneta hinggil sa maling impormasyon nito na ikinakalat sa social media.