fbpx

Arroyo and Duterte is out: Uniteam No More?

Halata sa nakaraang drama sa House of Representatives na hindi totoo ang sinasabi nilang “unity.”

Tinanggal bilang Senior Deputy Speaker si Gloria Arroyo dahil natunugan umano ni Romualdez na may plano ang dating presidente na patalsikin siya bilang Speaker of the House. Sinasabing nababagot na raw si Gloria dahil mabagal ang usad ng Cha-Cha sa Kamara. Matatandaang matagal nang gusto ni PGMA na magkaroon ng Cha-Cha at isulong ang parliamentary government para siya ang maging Prime Minister.

Kaya nagpatutsada si Arroyo sa pagtanggal sa kanya—sa unang sabi niya na “It’s the prerogative of the House” naging “I do not want it to precipitate or intensify any tendencies towards early politicking.” Bilang pagsuporta ng kaniyang alaga na si Sara Duterte, nag-resign siya sa LAKAS-CMD kung saan Presidente si Romualdez, dahil umano sa “toxicity.”

Tumugon naman si Romualdez, ani niya, “Rather than engaging in politicking, I would rather that we, in the House, remain focused on more urgent matters.”

Makikita natin ang mga tinutukoy nilang “toxic” at “namumulitika” ay ang bawat isa. Sila mismo ang sumisira sa ating bayan. Sa naging hidwaan nina Arroyo-Duterte at Marcos-Romualdez, malinaw na niloloko lang nila tayo. Ang mga gaya nila ay nagkakasundo at may “unity” lang kapag pagnanakawan ang kaban ng bayan.