fbpx

ANO BA TALAGA? Panelo at PSG Chief, Magkaiba ang Kwento

Ligtas si Pangulong Duterte at ang kanyang pamilya matapos ang magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Davao at marami pang parte ng Mindanao.

Una itong kinumpirma ng Chief ng Presidential Security Group na si Brig. Gen. Jose Niembra.

Ayon kay Niembra, nagising ang Pangulo ngunit natulog muli pagkatapos ng lindol.

Sabi naman ni Sen. Bong Go, tinawagan daw nya agad ang nurse ni Duterte pagkatapos ng lindol ngunit hindi daw nya nakausap ang Pangulo sapagkat ayaw umano nito lumabas ng kwarto.

Ngayong araw naman, Lunes, sinabi ni Presidential Spokesperson Sal Panelo na nagpapagupit ang Pangulo nang lumindol.

Ano ba talaga?

Dagdag pa ni Panelo, wala pang plano ang Pangulo na bisitahin ang mga nasalanta ng lindol sa Davao.

Hindi pa nagpapakita sa publiko ang Pangulo sa oras ng pagsulat nito.



Comments

  1. Hi there! I could have sworn I’ve been to this website before but after reading through some of the post I realized it’s new to me. Anyhow, I’m definitely happy I found it and I’ll be book-marking and checking back frequently!

Comments are closed.