Manila, Philippines – Naging mainit na usapan ang pagpapasaring ni Pangulong Rodrigo Duterte na diumano ay mayroong kumakandidato sa pagka-presidente na gumagamit ng cocaine.
Wala siyang binanggit na pangalan ngunit nagbigay ito ng pahiwatig kung sino ang kanyang tinutukoy nung kanyang sinabi na matunog ang pangalan ng ama nito.
Sa mga kumakandidato sa pagkapangulo, si Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. ang may pinakaprominenteng ama dahil sa pagiging diktador ng kanyang tatay na si dating presidenteng Ferdinand Marcos.
Ilang araw matapos pumutok ang isyung ito, ay sumailalim sa drug test si Bong bong upang linisin ang kanyang pangalan at kagaya ng inaasahan ng lahat, negatibo ang naging resulta nito.
Subalit nang kanyang isapubliko ang mismon reulta ay marami ang naglabasang komento mula sa mga health workers at netizens na diumano ay pineke lamang ang resultang ito.
Kasabay nito, lumutang muli ang pahayag ni Keith Richards mula sa bandang Rolling Stones sa NME magazine noong sila ay nasa kanilang Steel Wheels Tour nung 1990.
Ayon kay Richards, noong sila ay may homecoming tour sa England taong 1978 o 1979, mayroong bata na anak ng presidente ng Pilipinas na sumama sa bawat lakad nila sa loob ng dalwang buwan.
Kasama ito hanggang sa kanilang tour bus at eroplano. Maging sa kanilang hotel na tinutuluyan at sumasama ito. Ang batang ito rin ang nagbibigay sa banda ng kilo-kilong cocaine, mamahaling alak, at ibang mga droga ng libre para lang hayaan siya ng banda na makasama sa mga lakad nila.
Subalit nung malaman ng kanyang ama ang kalokohang ginagawa nito ay pinadampot ito sa mga tauhan ng gobyerno habang nasa isang concert ng Rolling Stones sa Manchester at ibinalik sa Pilipinas.
Mula noon ay wala na silang naging balilta sa bata at nalaman nalang nila na ang ama nito ay napatalsik ng taumbayan sa pwesto noong 1986, dagdag pa ni Richards.