Chinese na Tumatakbong Cong, Gumagamit ng Ayuda ng Gobyerno sa Pangangampanya.

ZAMBOANGA CITY, Philippines - Habang umiinit na ang kampanya ng mga kandidato upang makuha ang loob ng mga botante, tila may nangyayari milagro sa isang Distrito sa Zamboanga City.
Si Kat Chua, isang private citizen na Chinese, ay kasalukuyang tumatakbo bilang 1st District representative ng Zamboanga City. Ang strategy nya, mamigay ng ayuda. Ang bait nya noh?
Okay na sana. Kaso ang pinamimigay nyang mga ayuda sa kampanya ay galing sa kaban ng bayan. Galing sa mga government programs mismo tulad ng AICS, TUPAD, AKAP, at iba pa.

Take note, wala kahit anong posisyon sa gobyerno si Kat Chua. Paano nya nagagamit ang pera ng taumbayan sa pangangampanya?

Housing Scandal
Isa pa sa walang hiyang ginawa ni Kat Chua ay ang pagpapabago nito ng pangalan ng isang housing project ng National Housing Authority (NHA) sa kanyang pangalan kahit wala siyang ginastos ni isang kusing.
Ayon sa reports, pinabago ni Kat Chua ang pangalan ng Talisayan Greenfield Resettlement Project Phase 3 na pinondohan ng pera ng taumbayan sa "SiKat Housing Project". Ang "SiKat" ay ang campaign tagline ni Kat Chua.
Kahit ito ay pinalagan ng City Council ng Zamboanga, mukhang mas makapangyarihan pa rin sa kanila ang isang Kat Chua kahit hindi pa nagkaroon ng posisyon sa Gobyerno.


The Marcos Connection
Isa sa mga pinagmamalaking alas ni Kat Chua ay ang malalim na koneksiyon ng pamilya nya sa mga Marcos.


Nagsisilbing inaanak pala ng mga Marcos si Kat Chua.
Ayon sa mga sources sa DSWD, may utos mismo galings na "taas" na bigyan ng kapangyarihan si Kat Chua na gamitin ang mga ayuda ng gobyerno sa kanyang kampanya kahit na wala itong posisyon.
Anak ng Tinaguriang "Dragon Lady" ng Zamboanga
Si Kat Chua ay anak ni Lolita Chua, ang tinaguriang Dragon Lady ng Zamboanga. Sya ang nagsilbing bagman at kontratista ng mga nagdaang administrasyon ng nasabing siyudad. Sya rin ang utak ng mga maanomalyang proyekto lalo na noong pandemic tulad bukbok rice, overpriced vehicles, trapal tent na 30k ang presyo ng isa, at madami pang iba.
Kamusta mga taga Zamboanga? Ano ang pakiramdam ng ginigisa sa sariling mantika? Hahayaan nyo nalang ba?