fbpx

POGO Workers na Papuntang Cagayan, May Police Escort!

MANILA, Philippines – Nasa 22 na POGO workers na may kasamang dalawang police escorts ang naharang sa checkpoint ng Inter-Agency Task Force (IATF). Papasok sana ang mga Chinese na ito sa Cagayan galing Metro Manila.

READ MORE: Test Kits na Binenta ng China, Depektibo

Ayon sa balita ng Philstar, pinayagan umano ni Mayor Nelson Robinion na makapasok ang grupo ng Chinese ngunit kinontra ito ng IATF.

READ MORE: POGO na may 10,000 Workers, Wala Kahit Isang Pinoy na Empleyado

Nakalusot ang nasabing grupo sa checkpoints sa Maynila dahil sa mga kasama nitong police escorts mula sa PNP Camp Crame na sila P/Senior Master Sergeants Harold Corpuz at Clifford Ventura ng Police Security and Protection Group (PSPG).

READ MORE: 14 Billion ng COVID Budget, Inilaan ni Duterte sa “Turismo” Sa Kabila ng Lockdown

Isa lang mula sa grupo ang pinayagang makapasok ng IATF. Ito ay si Benedict Wong, 35, manager ng Eastern Hawaii Casino na nakabase sa CEZA Complex.

READ MORE: Intsik na Namaril sa Makati, May ID ng Chinese Military

Inutusan ng IATF si Wong na sumailalim sa 14 na araw ng quarantine.

Bago ito, una nang napigilan ng IATF ang grupo ng POGO workers na nakasakay sa dalawang van at dalawang delivery trucks.

READ MORE: VP Leni, Nakabigay na ng Higit 25,000 na PPEs sa mga Ospital