fbpx

OPINION: Duterte, Ang Bayan Muna Bago si Bato!

Kontribusyon ni Ernest Ramel, Former ASEC, Political Affairs, Office of the President at kasalukuyang Secretary-General ng Aksyon Demokratiko.

Ang mga himod puwet na senador para sa kagustuhan ni Duts na mabayaran ng pagbawi ng US Visa ni clown senator ay “umatras” na sa mga naunang pahayag na hindi dapat alisin basta ang Visiting Forces agreement.

Tandaan ang mga pro-China, at makasariling mga senador na ito:

  1. Bong Go (Numero unong pro-China na gustong magpangulo sa 2022)
  2. Cynthia Villar
  3. Francis Tolentino
  4. Imee Marcos
  5. Pia Cayetano
  6. Bong Revilla Jr.
  7. At siyempre, ang clown ng bayan, si Bato dela Rosa.

Maraming mawawala sa bayan kapag nangyari ang kapritsong ito.

  1. Una, ayon mismo kay Locsin, may P10B piso ayuda ang maaring bawiin ng Amerika sa bansa;
  2. Ayon kay Lorenzana, sa mga madalas na pagsasanay kasama sila, nagkakaroon ng palitan ng kakayahan, kagamitan at mga makabagong kaalaman na higit na nakapagpapatibay sa ating bansa laban sa mga kalaban panlabas tulad ng unti-unting pananakop ng Tsina sa ating yamang-dagat at teritoryo;
  3. Ang mga agarang humanitarian rescue missions na pinangungunahan ng US katuwang ang mga alyado nitong mga bansa ay sadyang hindi matatawaran at nasubukan na sa lahat ng kalamidad;
  4. Higit sa lahat, ang bilyong-bilyong dolyar na kalakalan natin sa Amerika bunsod ng maayos sanang relasyon.

Lahat ng ito maaring maglaho, dahil lang sa kapritso ng pangulo upang maibalik ang US visa ng pambansang clown na paboritong senador. Lahat ng ito para sa pagmamahal nila sa China.

Kung ito ang prayoridad ng inyong mga idolo, mga ka-DDS at patuloy kayong naaliw at nababaliw, tama nga magsama-sama kayo nina Duterte, Bong GO at mga alipores ‘nya sa sarili nyong mundo kung saan ang numero unong problema pa din ng Pilipinas ay pari, simbahan, media, elitista, mahihirap na adik, UP, PUP, mga katutubo at dilawang oposisyon.

Nakalimutan na yata nila na sila ang dapat NAMUMUNO at sila dapat ay nagpapakitang gilas! Hindi yung makaraan ang halos apat na taong ay walang direksyon ang bayang tutulog-tulog dahil mismong Presidente ay hindi alam kung kelan titigil sa pagpapayaman at pagnakakaw sa bayan.

Tapusin na ang ambisyon ng alalay niyang si Bong Go sa 2022. Dapat ay intindihin naman nila ang tunay na pagkalam ng sikmura ni Juan.