fbpx

Isang Mensahe Para sa Bayan

Mula kay Ernest Ramel, Former ASEC, Political Affairs, Office of the President at kasalukuyang Secretary-General ng Aksyon Demokratiko.

Ang administrasyon na ito ay may sistematikong pamamaraan para kitlin ang malayang pamamahayag at kalayaang magsalita laban sa mga kabuktutan nito.

Sa simula pa lang hindi naman interes ng bayan at sambayanan ang nasa puso at isipan ni Duterte. Para sa kanila ang importante, ipakita ang kanilang dominasyon sa pulitika, panatilihin ang hawak sa kapangyarihan at palawakin ang sistematikong pagnanakaw sa kaban ng bayan at palawakin pa ang galamay ng korupsyon sa lahat ng sangay ng gobyerno at pamahalaan.

Inuna nilang pag-aralan ang mga emosyon ng masang Pinoys sa pamamagitan ng pagmamanipula sa kaisipan at damdamin ng OFWs mahigit isang taon bago ang halalan. Ginawa nilang isyu ang “seguridad” ng kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas tulad ng araw-araw na krimen, rape, droga at mga aria-ariang naipundar nila, lalo na proteksyon ng mga anak nila.

Sumunod, ipinakita nila ang parang walang emosyon at malasakit na “daang matuwid.” Habang mula sa isang “progresibo, maunlad, matahimik at siyudad sa malayong Davao City, may isang tagapagtanggol, matikas, matapang , may puso at handang pumatay na lider para sa masa.

Pero hindi ‘sya kilala, wala ‘syang pera at partido, wala ‘syang makinarya. Ginawa, binalutan ‘sya ng aura ng misteryo, ginawa ‘syang alamat. Nagkunwaring hindi interesado, urong-sulong. Napansin. Nakilala. Nagkaroon muna kuno ng mga libo-libong volunteers at mga vloggers/bloggers kuno. Nagkaroon ng “groundswell of support.” Nagkaroon ng bandwagon.

Ang magaling daw, totoong tao. Mura dito, mura doon. Galit daw sa mga magnanakaw, oligarkiya, mga elitista, mahal ang mahihirap, papatayin daw lahat ng kalaban, oligarkiya, elitista, galit sa mga pari, diyos, simbahan, kalaban sa pulitika, sa EU, China, US at Australia. Galit sa lahat.

At may mga MABIBILIS na mga solusyon!

In 3-6 months wala ng krimen at droga!
In 2 months wala ng kontraktiwalisyon!
In 3-6 months wala na traffic!
In 3-6 months wala ng problema ang MRT!
Magjeietski ako puntang West Phils Sea in para paalisin in China kapag presidente na ko.
In 3-6 months P15 na lang kada kilo ng bigas!
Tataas ang sahod! Aba’y tinalo na ang Diyos sa sobrang galing at dami ng kaya!

Ipapasara ko ang mga negosyante ng mga oligarkiya! (Parang alam naman ng masa ang ibig sabihin.)

ALAM NAMAN NATIN NGAYON NASAAN TAYO NAKASADLAK!

Gamit na ngayon ang mismong bilyon-bilyong kaban ng bayan sa pamamagitan ng troll farms, social media at kahit na mga “lehitimong kunong mga balita at mga lehitimo kunong mga sarili nilang bayarang komentarista sa radyo, tv at tabloids:

Sistematiko nilang sinira at patuloy na sinisira araw-araw sa paningin nila ang puwedeng takbuhan ng masa kapag TULUYANG nakita na ang kanilang KASAKIMAN sa kapangyarihan (BONG GO, SARA DUTERTE sa 2022), KATAKAWAN sa KABAN ng BAYAN at pananatili ng mga SARILI nilang sindikato sa DROGA, NEGOSYO at kontrol ng lahat ng bagay hanggang may pagkakakitaan puwedeng paghati-hatian.

Wasak at winawasak ang mga institusyon ng mga simbahan, mga paaralan, broadcast at/o mainstream media, ang oposisyon. Kahit mga local government units ay hindi nila tinatantan kung ikaw ay kalaban. Kahit maliliit na mga samahan kaya nilang wasakin at guluhin. Ipakulong, tanggalan ng poder ang iilang lumalaban, patahimikin ang mga kritiko sa kug ano-anong FAKE NEWS, pekeng ebidensya, pekeng mga kaso at pananakot.

Hindi pa dito kasama ang walang habas na ARAW-ARAW na pagpatay sa mga walang laban at walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang sarili nilang pamahalaan na dapat siyang nagtatanggol sa kanilang mga dignidad at mga simpleng karapatan pantao.

Kaya sa dulo, dahil ikaw na masa na walang magawa. Dahil ikaw ang masa ang pangunahing isipin ay paano mo maitatawid ang iyong hanapbuhay araw-araw, wala ka na din masabi. Buntong hininga na lang. Tawanan na lang kasi nagpapatawa naman ang pangulo. Totoong tao kasi ‘sya e. Galit ‘sya sa mga umaapi sa akin. (Pero tignan naman ‘nyo ang tunay na mga gawain.)

Kung anong walang kuwenta na lang ang ipinapakain sa ‘yo ni Duterte at Bong Go at sandamakmak nilang makasariling alipores at mga kasabwat, wala ka na din talaga halos pakialam. Kakain mo na lang lahat ng SHIT na ihahain sa ‘yo ni Rodrigo.

After all, wala naman ng iba e. Lahat sila pare-pareho lang. Simbahan, pari, oposisyon, media, oligarkiya, mayayaman, lahat sila.

Kaya siguro dito na lang tayo kina Duterte at Bong Go. Malay mo hindi pala talaga 3-6 months (binola ka lang naman), 3-6 years (ginagago ka lang naman kasi).

30-60 years pala. TIYAGA LANG, PABOLA LANG TAYO. PINOY NAMAN TAYO EH.

KAPAG WALA NA ANG BAYAN. KAPAG WALA NA ANG PILIPINAS.

PERSONAL KONG MENSAHE:

PABOLA PA KAYO! MGA TANGA! YES, DDS, YES, MGA DILAWAN, YES, LAHAT KAYO NA PINAPAIKOT AT PINAGLALARUAN LANG NI SANTO RODRIGO AT NI BONG (GA)GO, MALAPIT NA 2022! TULOY LANG ANG PANGGAGAGO NI DUTERTE AT GO!

MGA GAGO! ?????????