Camarines Sur, Philippines – Hindi na bago ang mga delubyo ng inang kalikasan sa Bicolandia particular sa Camarines Sur dahil kasama ito sa typhoon corridor ng Pilipinas.
Kaya naman ngayong hinagupit ng Bagyong Kristine ang Bicolandia, nagulat ang mga Bicolano na tila walang makitang kahandaan ang Probinsya ng Camarines Sur na pinamumunuan ng Villafuerte Dynasty sa loob ng 40 na taon.
Kasalukuyang hawak ng mga Villafuerte ang mga posisyon ng Governor at dalawang District Congressional seats ng Camarines Sur.
Milyon-Milyon ang gastos sa mga Concert. Walang Naipundar na Rescue Vehicles.
Habang nananawagan ng saklolo ang mga Bicolano, walang maibigay na rescue vehicles ang mga Villafuerte kahit na mga rescue boats. Ayon sa mga sources sa kapitolyo, ang kakaunting rescue boats na meron ang probinsya ay hindi maideploy dahil nilagay sa mga resorts na pagmamay-ari ng mga Villafuerte at ang pinsan nilang mga Magtuto.
Kay Atty. Leni Magbigay ng Tulong. Huwag sa mga Villafuerte
Halos lahat naman ay nakatuon sa rescue efforts na ginagawa ng Angat Buhay sa pangunguna ni VP Leni Robredo.
Panawagan ng mga netizens, kung nais tumulong, ideretso na kay Atty. Leni Robredo at huwag padaanin sa mga Villafuerte.