Dapitan, Zamboanga del Norte – Sunod-sunod ang reklamo na ipinadala sa Bantay Nakaw Coalition matapos ang rally na ang layon ay magpakita ng suporta sa natanggal na Congressman ng 1st District ng Zamboanga del Norte na si Romeo Jalosjos, Jr., anak ng convicted child rapist na kapareho nya ng pangalan.
Matatandaan na idineklara ng Supreme Court na illegal ang pagproklama kay Jalosjos dahil sa mga kaso na kanyang kinakaharap.
Aniya ng mga nagsumbong, sinabihan daw sila na hindi mabibigyan ng relief goods ang mga hindi sasali sa rally.
Binaha ang ilang lugar sa Zamboanga del Norte dahil sa lakas ng ulan noong pasko.
“Hindi ako nakapunta sa rally kasi walang magbabantay sa tatay at anak ko. Yung mga kapitbahay ko na nagpunta binigyan ng relief goods. Kami wala”, aniya ni Jean (hindi nya tunay na pangalan).
May nagpadala din ng text message na natanggap nila mula sa ilang leader ni Jalosjos na pinapapunta sila sa location ng rally dahil dun daw magkakaroon ng distribution ng relief goods.
Kapansin-pansin naman na pinagtatapon ng mga “supporters” ang hawak nilang mga placards matapos matanggap ang ayuda.