Si General Fabian Ver ang pinakamatapat na tauhan, chief of staff, and pinuno ng National Intelligence and Security Authority (NISA) noong panahon ni Marcos.
Kaakibat ang pangalan ni General Ver sa patong-patong na mga kaso ng human rights abuses, torture, at pagkawala ng mga personalidad na lumalaban sa dikturyo ng dating pangulong si Ferdinand Marcos.
Lumaki sa isang marangya at protektadong pamayanan, ang anak ni General Ver na si Wanda ay naniwalang ang panunungkulan ng kanyang tatay sa ilalim ng pamumuno ni Marcos ay makatwiran, malinis, at maituturing na Golden Age ng ating bansa.
Buong buhay niya inakala niyang ang Batas Militar o Martial Law na ipinatupad noon ay kataanggap-tanggap na solusyon para labanan ang kahirapan at komunismo dahil maraming mga kongkretong ebidensya ng kaunlaran ang nakita niyang ipinatayo ni Marcos. Ilan sa mga ito ang mga tulay, paaralan, mga ahensya ng gobyerno, kasama na rin ang ‘di umano’y pag-angat ng ekonomiya noon.
Ngunit kamakailan lamang niya napagtanto na ang lahat ng ito ay mga gawa-gawang istorya lamang, resulta rin ng pagkuha ng mga Marcos ng mga PR firm para isalba ang pangalan ng pamilya nila.
Ngunit nagbago ang lahat noong nakakilala siya ng kumadrona sa Sweden para tumulong sa pagpapaanak sa kanyang unang anak. Nakakilala siya ng Pilipinang kumadrona na nagngangalang Michelle Somberman na isa sa mga biktima ng pang-aabuso noong rehimen ni Marcos.