Ayon sa samahan ng mga kababayan nating Muslim sa Mindanao, si Robredo ang “best alternative” para sa pagkapangulo dahil sa taglay niyang “dynamism.”
Para kay Saipon Zaman, miyembro ng Board of Sultans sa Mindanao, hindi kailangang magkaroon ng pagpapalit ng gobyerno para maisakatuparan ang matagal nang hinihingi ng mga Muslim na “representation,” partikular sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
“Leni was already endorsed by the [Bangsamoro] organization, parang napaisip kami na looking into the track records of all the candidates, nakikita namin na si Ma’am Leni ang best alternative. Nakikita namin na open-minded, puwede mag-introduce, puwedeng kilalanin ‘yung concern ng bawat isa,” ani Zaman.
Dagdag pa ni Zaman, hindi mahilig si Robredo sa “media mileage” pero malaki ang tiwala nilang siya ang mag-aangat sa buhay ng mga Moro sa Mindanao.
“Nakikita natin doon ‘yung dynamism ng leadership ni Ma’am Leni at ‘yung track record niya. Hindi siya mahilig sa media mileage pero gumagawa siya. Ito ‘yung isang bagay na nagpapaengganyo sa aming mga Muslim, especially sa grupo naming mga sultan na suportahan ang kanyang kandidatura,” ani Zaman.