Usap-usapan ngayon sa social media ang alegasyon na ine-endorso ‘di umano ng isang international artist si Ferdinand Marcos Jr..
Sa isang facebook page makikita ang isang screenshot ng video na nagpapakita ng mukha ni Apl.de.ap na sumusuporta kay presidential aspirant Bongbong Marcos.
Kalaunan napag-alamang impersonator lamang ito ni Apl.de.ap na noo’y sumali sa isang segment ng It’s Showtime, ang Kalokalike noong 2015.
Nag-react din umano si Apl.de.ap sa naturang video gamit ang tatlong facepalm emoji.
Agad namang nagsipag-comment ang ilang twitter users upang kumpirmahin kung may katotohanan ba ang nababalitang pagsuporta nito sa anak ng isang diktador.
Sinagot ito ng artist sa isang tweet,
“Country over party. Not endorsing any candidate.”
Samantala, ilang araw na lang ang nalalabi bago ang araw ng eleksyon na gaganapin sa ika-9 ng Mayo. Labis na ang pangangampanya ng bawat kandidato sa iba’t ibang panig ng bansa upang masiguro ang kanya-kanyang pagkapanalo.