fbpx

Marcos, “No Show” pa rin sa ilang kampanya

Hindi sumipot ang frontrunner at presidential aspirant na si Bongbong Marcos at ka-tandem nitong si Sara Duterte sa Palawan noong Abril 25.Nagmistulang “no show” ang buong Uniteam pati na rin ang mga local executives.

Pinabulaanan naman ito ng mga organizers at sinabing ang event ay hindi isang campaign rally kung hindi ay isa lamang grand caravan at free concert.

Ayon kay Santos, isa sa mga organizers ng event, ang programa ay initiative lamang ng mga supporters upang ipakita ang suporta ng mga taga-Puerto Princesa nariyan man o wala si Marcos.

“Ito naman, initially, in-organize namin, ito ay caravan at free concert para kaming mga supporters ay magsama-sama. Dahil patapos na ang kampanya, inilagay naming sa isip namin, with or without BBM, papakita namin ang suporta at iparating sa national [team] ang boses ng Palawan para kay BBM. ‘Yon ang purpose namin,” sabi ni Santos.

Inamin din niya na magulo at paiba-iba ng schedule ang iba pang grupo sa lungsod.

Samantalang hindi ito ang unang hindi nagpakita si Marcos sa isang campaign rally. Matatandaang “no show” din ito sa campaign rally sa Baguio dahil sa kaunti lamang ang mga tagasuporta.

Umani naman ng mga kritisismo ang madalas na pag-absent ni Marcos hindi lamang sa mga debate maging sa mga campaign rally. Tanda raw ito ‘di umano ng mababang pagtingin sa mga tagasuporta.