fbpx

Money Laundering maaaring ikaso sa pamilyang Marcos

Maaaring kasuhan ng Money laundering ang pamilyang Marcos dahil sa pagtatago ng mga ill-gotten wealth ni dating diktador  Ferdinand Marcos at kanyang asawa, Imelda Marcos ayon sa dating chief ng Presidential Commission on Good Government, Ruben Carranza.

Iginiit ni Carranza na dapat manguna ang chief ng Anti-Money Laundering Council na siya ring governor ng Banko Sentral ng Pilipinas sa pagpapakulong sa mga sangkot sa pagtatago ng mga nakaw na yaman ng mag-asawang Marcos.

“Isa sa mga kaso na matagal ko nang sinabi na dapat [isampa] ng pamahalaan—wala na ako sa pamahalaan so hindi ko na basta-basta magagawa ito—ay ang pag-file ng money laundering case laban sa mga Marcos,” sabi ni Carranza sa interview sa One News’ “The Chiefs”.

Pinabulaanan din ng dating PCGG chief ang mga paratang na inuungkat lamang ang isyu ng ill-gotten wealth dahil sa pagtakbo ng anak nitong si senator Bongbong Marcos.

“Hindi naman totoong ngayon lang [pinag-uusapan] eh,” sabi pa ni Carranza. “Sila ‘yung bakit hanggang ngayon ayaw nilang bayaran ‘yung tax. Bakit hanggang ngayon, tinututulan nila ‘yung pagsunod sa utos ng Supreme Court noong 2003 na ibalik ‘yung mga ninakaw nila.”

Hanggang sa ngayon nananatiling unapologetic si Bongbong Marcos sa kasalanan ng kanyang ama at ina at pinapupurihan pa ang mga ito sa mga interviews.

Ayon pa kay Carranza, hindi kasalanan ni presidential candidate Bongbong Marcos ang kasalanan ng kanyang ama at dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr., pero kasabwat ang anak sa pagtatago ng mga ninakaw na yaman ng kanyang ama,

“Si Marcos Jr., kasabwat sa pagtago, paggastos, at muling pagtago ng mga natitirang ninakaw ng mag-asawang Marcos—those are the sins of the son,” stressed Carranza. “Ang tawag doon ay complicity after the fact. Sa ilalim ng batas ng Pilipinas, kasama siya sa mga nagtatago ng nakaw na yaman.”

Habang idinagdag pa ni Carranza na pinatatagal lamang ng mga Marcos ang isyu sa mga tax evasions at ill-gotten wealth dahil umaasa ang mga ito na muling makakabalik ang mga Marcos sa Malacanang sa pamamagitan ni Bongbong Marcos.