fbpx

Magkakaroon na ang PNP ng Special Chinese Desk – PNP Chief

MANILA, Philippines – Ayon sa bagong appointed PNP Chief mula sa Davao City na si Archie Gamboa, plano nilang gumawa ng isang special Chinese Desk na tututok para sa dumadaming Chinese dito sa ating bansa.

Related image
New PNP Chief Archie Gamboa

Gagawin daw ito upang mas lubos na maintindihan ang mga Chinese lalo na ang kanilang kultura. Mas mapadali umano nito ang pagproseso sa mga walk-in complaints ng mga Chinese Nationals.

Ito sa kanila ng dumadaming krimen ng mga Chinese sa Pilipinas.

Image result for pogo chinese
Dagsa na ang mga Chinese Mula sa Mainland China sa Pilipinas

Ang planong gawin ay magkakaroon ang PNP ng desk kung saan may dalawang Chinese police officers na umano’y tutulong sa Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG).

Dagsa-dagsa na ang mga Chinese nationals dito sa Pilipinas simula ng maupo si Pangulong Duterte. Kilala na mas malapit sya sa China kesa sa Amerika na paulit-ulit nyang binatikos.

Karamihan sa mga Chinese na nasa bansa ngayon ay nagtatrabaho sa mga online gambling casinos o kilala rin sa tawag na POGO.

Image result for pogo chinese
Ayon sa BIR, halos lahat ng POGO ay hindi registered sa kanila at hindi nagbabayad ng buwis.

Isang malaking isyu din ito sapagkat maliban sa inaagawan nila ng trabaho ang ating mga kababayan sa sarili nating bansa, napagalaman pa na hindi pala nagbabayad ng buwis ang halos lahat ng nagooperate na POGO.

Sana lang, mas pabilisin din nila ang pagproseso sa mga complaints ng mga Pilipino kasi sila naman ang nagpapasweldo sa mga Pulis.