fbpx

BBM Supporters Talamak ang Pagkakalat ng Fake News

Isang facebook post ang kontrobersyal ngayon dahil sa maling impormasyong ikinakalat nito. Ang nasabing post ay mula sa grupong BBM-Sara Uniteam Headquarters Northern Luzon. Ayon sa post, sinasabing ang isang motorcade sa Ilocos Norte ay nagtala ng Guiness World of Records (GWR)  bilang pinakamahabang motorcade sa kasaysayan.

Agad naman itong tinutulan ng GWR at nag-comment mismo sa nasabing post.

“This information is incorrect,” ayon sa GWR.

Ang post na ito ay isang paraan ng pagkakalat ng fake news upang manipulahin ang isip ng mga tao.Ngayong nalalapit na ang eleksyon, pinag-iingat ang mga tao sa mga nababasa online lalo na’t talamak ang trolls ng ilang kumakandidato sa pulitika.