fbpx

Chinese Firm na Nagtambak sa WPS, Babayaran ng Ilang Bilyong Piso ng Gobyerno Upang Ayusin ang Sangley Point sa Cavite

MANILA, Philippines – Proyekto upang ayusin at idevelop ang Sangley Point sa Cavite, kuha ng China Communications Construction Co. (CCCC).

Matatandaan na ang China Communications Construction Co. (CCCC) ang isa sa mga gumawa ng mga illegal na artificial islands sa West Philippine Sea. Sila din ang nagtayo ng mga illegal na istraktura sa dagat na pag-aari ng Pilipinas.

Image result for China Communications Construction Co. (CCCC)
Isa sa mga illegal na islang ginawa ng China Communications Construction Co. (CCCC) sa West Philippine Sea

Ayon sa Wall Street Journal report noong November 2015, namataan ang isang barkong pag-aari ng CCCC na gumagawa ng dredging operations sa West Philippine Sea. Ito ang proceso upang magtambak sa dagat at gumawa ng isla.

Ang CCCC din umano ang responsable sa milyon-milyong coral reefs na nasira dahil sa dredging activities nito.

Namataang nagoperate ang mga barko ng CCCC mula January 14 hanggang February 16, 2015.

Ang CCCC ay blacklisted na din ng World Bank dahil sa mga sinasabing iregular at fraudulent na mga ginagawa ng sub-companies ng nasabing kompanya.

Mahirap lubos isipin bakit hinayaang makapag-bid ang CCCC sa kahit anong proyekto na babayaran ng buwis ng taong bayan. At mahirap din maarok bakit sila pa ang ipinanalo.

Kritikal din ang Sangley Point sa Cavite sapagkat nandito ang isa sa mga strategic bases ng militar ng Pilipinas.

Sangley Point, Cavite

Matatandaan din na Chinese Firm din ang nakabili ng Island Cove Resort, isang isla sa Kawit, Cavite upang gawing POGO.

Image may contain: text that says 'Isla na binili ng Chinese sa Kawit, Cavite BANTAY NAKAW COALITION MALIA'

Sinasabing binili ito ng 7 bilyong piso mula sa angkan ng mga Remulla, ang kasalukuyang Gobernador ng Cavite.

20,000 Chinese ang maninirahan dito. Aabutin pa daw ito ng 50,000 kapag full blast na ang operations.

Ilang kilometro lamang ang layo nitong POGO island na ito sa Sangley Point.

Ninakawan na nga tayo sa West Philippine Sea, sinira na ang mga coral reefs natin, tinaboy pa ang mga mangingisda natin, tapos ngayon babayaran pa ng Gobyerno ng Pilipinas ng ilang bilyong piso gamit ang pera ng taumbayan?

Papayag ba tayo?

#BantayNakaw