Petitioners muling umapela sa COMELEC upang ma-disqualify ang frontrunner na si Bongbong Marcos sa darating na eleksyon. Noong Disyembre 7,2021 unang naghain ng petisyon ang grupo ng Pudno nga Ilocano ngunit hanggang ngayon wala pa ring resolusyon ang inilalabas.
Sa kanilang motion to resolve binabanggit ang agarang pag-aksyon sa kaso dahil sa nalalapit na araw ng halalan.
“Petitioners implore the Honorable Commission to resolve the petition with utmost urgency given its impact on the coming national elections.”
“For the foregoing reasons, and considering that the national elections will be conducted on May 9, 2022, it is vital that the petition is resolved as soon as possible,” ayon pa sa grupo.
Ayon naman kay Atty. Ray Paolo Santiago ang nakabinbin na kaso ay tila nabulok na sa ikalawang dibisyon ng COMELEC.
“Lumabas na ‘yung ibang mga cases sa First Division pero sa Second Division medyo natatagalan po, and from the time that we filed our memorandum, pareho ho, petitions and respondents, noong January 17, it has already been 46 days and there is still no resolution,” sabi ni Santiago.
Sa kabilang banda, nagsabi naman si Socorro Inting, Acting Chairman ng COMELEC na aaksyunan ang apelang ito ng mga petitioners upang mapabilis ang paggawa ng resolusyon.