Ang pagtakbo ni Marcos ngayong taon ay isang malaking kontrobersiya na nag-ani ng sari-saring kritisismo. Ilan dito ang mga hinaing ng biktima noong Martial law na patuloy na inuugnay sa kanya at ang mga kasong ibinasura ng COMELEC gaya ng tax conviction.
Sa kanyang pagbuo ng grupong UNITEAM, makikita ang mga batikang pangalan sa pulitika.
Una na dito si Sara Duterte-Carpio na mahigit isang dekada na sa serbisyo, Benhur Abalos na dating MMDA Chairman at campaign manager din ni Marcos taong 2016 at kanyang spokesperson Rodriguez mula nang tumakbo ito sa pagka bise presidente.
UNITEAM SENATORS
Ang senate slate ng Marcos-Duterte tandem ay binubuo ng sampung kandidato.
Sa paglalarawan ni Rodriguez, sinabi niya na ang mga kandidato sa ilalim ng partido ay mga beterano at subok na sa kani-kanilang larangan.
Una na rito si Rodante Marcoleta na siyang nagbigay lamang ng isang libong pisong pondo sa Commission on Human Rights taong 2017, Atty. Larry Gadon na siyang sinuspinde sa pwesto dahil sa mga bastos na pananalita ukol sa isang journalist, Secretary Mark Villar na siyang kumuha ng credits sa “Build, Build,Build” program ni Duterte , former Presidential speaker Harry Roque na naging laman ng iba’t ibang memes dahil sa mga insensitibong pahayag ,
Former Senator Jinggoy Estrada na nahatulang guilty sa kasong plunder at pagnanakaw kaugnay ng “pork barrel” scam, former DICT secretary Gringo Honasan na isa sa mga nanguna noong 1986 EDSA People Power ngunit ngayon ay nasa alyansa ni Bongbong , Senator Sherwin Gatchalian ,former Defense Secretary Gibo Teodoro , Representative Loren Legarda ng Antique at Major Floor leader Miguel Zubiri.
UNITY, ito ang sigaw ng kampo ni Marcos nang opisyal na inilunsad ang partidong UNITEAM noong Pebrero 8, biyernes. Sa loob ng halos 15 minuto, walang malinaw na plataporma ang nailatag sa mga tagasuporta. Ang kampanya ay pawang umikot lamang sa “UNITY”.