fbpx

Isa Laban Sa Lahat: Ilonggo Buo Ang Suporta Kay Robredo

Naging laman ng social media ngayon ang facebook post ni Yan Terante kung saan mapapanood ang isang maikling video sa isang party kagabi sa Iloilo.

Makikita sa video ang isang kasiyahan kung saan nagsasayawan ang mga tao habang tumutugtog ang isang DJ. Sa kalagitnaan ng tugtugan, biglang humirit ang DJ at siyang nagtangkang mag-ingay gamit ang pangalang BBM. Ngunit tila hindi nito nakumbinse ang mga tao na noo’y mga tagasuporta pala ni Robredo.

“One time lang, iti-Tiktok ko ‘to , BBM! BBM!”  sigaw ng nasabing DJ.

Habang nangibabaw naman ang pagsagot ng mga dumalo sa party.

“Leni , Leni , Leni ……”

Ipinakita lamang ng mga Ilonggo na hindi sila magpapalinlang sa anumang propaganda ng partidong Marcos at mananatiling buklod ang pagsuporta para kay Robredo.

Ang post ay umani na ng 61,000 views at 1800 shares mula nang ito ay ma-post sa facebook.