Ikinagulat ng mga kumakandidatong pangulo ang dagsa ng tao sa campaign sortie ni VP Leni Robredo sa Iloilo. Ito ang kasalukuyang record holder ng pinakamaraming taong dumalo ngayong halalan 2022.
Tila hindi ito matanggap ng ilang supporters ni Bongbong Marcos. Matatandaan na ilang beses nang nilangaw ang mga rally. Sa isang Facebook post, nagpakalat ang isang nagngangalang Lea Maria Geronimo Espiritu ng isang larawan na nagsasabi na hinold umano ang sahod ng ilang empleyado upang dumalo sa nasabing rally.
Walang ebidensya na ito ay totoo. At kung titingnan ang profiles ng mga nagcomment, halata na fake accounts ang ginamit.
Hindi naman ito papalagpasin ng mga volunteer lawyers na lumalaban sa fake news. Ayon sa grupo, nakakalap na sila ng sapat na ebidensya upang sampahan ng kasong cyber libel si Espiritu. Nakikipag ugnayan na rin sila sa Bacoor Doctors Medical Center kung saan sinasabing nagtatrabaho si Espiritu.
Mukhang madadamay din sa kaso ang ilan sa mga nagcomment at nagshare ng fake news.
Ayon sa mga lawyers, maaari nilang iatras ang kaso kung gagawa ng public apology ang mga sangkot sa pagpapakalat ng fake news.